Hinamon ni 1-BAP Party-list Rep. Silvestre Bello III si Pangulong Aquino na sundan ang ginawa ng ina nito sa pagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng komunista bago magtapos ang termino nito sa Hunyo 2016.

Isang dating government negotiator, sinabi ni Bello na dapat na gumawa ng hakbang ang PNoy administration upang buhayin ang usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front (NDF).

“The peace talks must be brought to its logical conclusion for the lasting peace for our country,” pahayag ng party-list congressman bilang reaksiyon sa panawagan ng Philippine Ecumenical Peace Platform (PEPP).

Matatandaan na huling nagkaharap sa peace negotiations ang government peace panel at NDF noong 2011.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

“May panahon pa upang isulong ni Pangulong Aquino ang pagbubuhay sa peace negotiations. Ito ang ginawa ng kanyang yumaong ina na si President Cory sa pagtatapos ang kanyang termino,” iginiit ni Bello.

Dapat aniyang simulan na ni PNoy ang pagkonsulta sa mga pangunahing personalidad na may karanasan sa pakikipagnegosasyon sa NDF, kabilang na sina dating Pangulong Fidel V. Ramos at dating Ambassador Howard Dee, upang masimulan ang naantalang peace negotiation sa grupong komunista.

“He should also consider getting as advisers to the panel representatives from the Senate and the House of Representatives,” dagdag ng mambabatas.

Noong Disyembre 2014, pinuntirya umano ng gobyerno ng Pilipinas at kinatawan ng NDF na balangkasin ang isang kasunduan sa tigil-putukan at isyu sa social and economic reform bago bumaba sa Malacañang si Pangulong Aquino sa 2016. (Charissa M. Luci)