NGAYON ay Linggo ng Banal na Pamilya. Ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Banal na Pamilya tuwing Linggo pagkatapos ng Pasko. Sa aklat ni Lucas, sinabi sa atin na dumagsa ang mga pastol upang purihin ang Sanggol, at kasabay nito, nagpatirapa sila sa Kanyang pamilya. Isa itong napakagandang pagninilay, nang dumating si Hesukristo sa mundo ng mga tao sa pamamagitan ng isang pamilya. Ang pamilya nina Hesus, Maria, at Jose ay huwaran ng lahat ng pamilya sa sangkatauhan, dahil nagmamahal at nagpapahalaga sila sa isa’t isa at tumatalima sa kagustuhan ng Diyos. Bagamat kakaunti lang ang ating impormasyon tungkol sa naging pamumuhay ng kanilang pamilya, matitiyak nating natutuhan ni Hesus ang kanyang mabuting ugali mula sa kanyang pamilya. Masisiguro natin na namamayagpag sa kanilang pamilya ang pagmamahalan at kaligayahan, kapayapaan at kasiyahan.

Sa kasalukuyan, nahaharap sa maraming pagsubok ang mga pamilya sa iba’t ibang panig ng mundo. Kailangang muling tuntunin ang tunay na kahulugan ng pamilya. May mga mag-anak na nagdurusa dahil hirap sa pinansiyal na aspeto. Marami ring pamilya ang apektado ng kawalan ng katapatan. Mayroon ding mga pamilya na napapaloob sa mahihirap na sitwasyon, gaya ng mga piniling manirahan sa ibang lugar dahil sa mga kaguluhan, kahirapan, at digmaan. Direktang naaapektuhan ang pamilya ng napakaraming problema at komplikasyon sa lipunan ngayon.

Sa kasalukuyan, dumudulog tayo sa Banal na Pamilya ng Nazareth bilang ating huwaran at gabay. Sa kanyang mensaheng Angelus sa Kapistahan ng Banal na Ama noong nakaraang taon, sinabi ni Pope Francis: “The Baby Jesus with His Mother Mary and with St. Joseph are a simple but so luminous icon of the family.” Gayunman, sinabi ng Banal na Ama na hindi nananatili roon ang liwanag. “The light is casts is the light of mercy and salvation for the entire world, the light of truth for every man, for the human family and for the entire world, the light of truth for every man, for the human family and for individual families. This light which comes from the Holy Family encourages us to offer human warmth in those family situations in which, for various reasons, peace is lacking, harmony is lacking, and forgiveness is lacking.”

Sa kapistahang ito ng Banal na Pamilya sa Jubilee of Mercy, hilingin natin sa Panginoon na basbasan ang lahat ng pamilya sa mundo sa biyaya ng Kanyang awa, partikular na ang mga pamilyang nasa mahirap na sitwasyon, gaya ng mga may miyembrong may karamdaman, o nagdurusa sa kawalan ng trabaho, deskriminasyon, kawalang hustisya, at iyong nahihirapang unawain ang isa’t isa. Sa pamamagitan lang ng pagpapalat at awa ng Diyos natin mapagtatagumpayan ang mga paghihirap na ito. Tanging sa pagpapala ng Diyos mananahan ang pagmamahalan at pagpapatawad sa ating mga pamilya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nawa’y ang selebrasyon natin ngayong araw ay hindi lamang magsilbing inspirasyon natin sa pananampalataya sa Banal na Pamilya ng Nazareth kundi magkaloob din sa atin ang mabubuting katangian na taglay ng Banal na Pamilya. Sana ay maging huwaran sila para sa ating lahat upang maging tunay at pangmatagalan ang pagbabago ng mundong ito para sa ating mga pamilya. Isang Maligayang Kapistahan ng Banal na Pamilya!