PIA copySinaluduhan ni Nationalist People’s Coalition (NPC) Congressman Win Gatchalian si Pia Alonzo Wurtzbach sa pagkapanalo niya sa 2015 Miss Universe pageant sa Las Vegas, USA.

“Ang pagkapanalo ni Pia Wurtzbach ay tagumpay rin para sa lahat ng Pinoy,” pahayag ng senior vice chairman ng House Committee on Metro Manila Development at Committee on Tourism.

“Ang kanyang mga sakripisyo at tagumpay ay magsisilbing inspirasyon sa mga Pinoy upang ipagpatuloy ang paglaban sa kahirapan, lumalalang kalamidad, at katiwalian sa lahat ng antas ng gobyerno. Ang kanyang pagkapanalo ay napakagandang pamaskong handog sa bansa,” ayon sa mambabatas mula Valenzuela City.

Naghiwalay ang mga magulang ni Wurtzbach noong siya ay siyam na taong gulang pa lamang.

National

4.7-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya, nagsimulang mag-hanapbuhay si Wurtzbach sa edad sa pamamagitan ng pag-arte sa telebisyon at pelikula, gamit ang pangalang “Pia Romero.”

Tatlong beses siyang sumali sa Binibining Pilipinas bago sumabak sa Miss Universe bilang pambato ng Pilipinas, at tinalo niya ang 79 naggagandahang contestant mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

“She embodies the Filipino spirit of resiliency and determination and an inspiration to the youth and the millions of OFWs who work hard and sacrifice a lot for their families,” ani Gatchalian.