PANTABANGAN, Nueva Ecija — Malubhang nasugatan ang 17 katao makaraang suyurin ng rumaragasang pampasaherong bus ang isang truck sa Pantabangan-Aurora Road sa Purok 7, Barangay Ganduz sa bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Ayon sa Pantabangan Police, ang D’Liner bus, na may plakang CWM-855, ay minamaneho ni Carly Parocha y Ogues, 45, ng Bgy. Asin, Nangalisan, Tuba, Benguet. Samantala, ang green Isuzu truck, na may plakang GJK-943, ay minamaneho ni Roland Corpuz Domingo, 35, ng Bgy. San Andres, Balungao, Pangasinan.

Dinala ang mga nasugatang pasahero, kabilang na ang dalawang driver, sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research & Medical Center (PJGMRMC) sa Cabanatuan City.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Noel Villajuan, dakong 1:34 ng hapon nang okupahin ng bus ang kanang lane na humantong sa banggaan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Isinailalim sa kustodiya ng Pantabangan Police ang dalawang sasakyan habang patuloy ang imbestigasyon. - Light A. Nolasco