Nagpakalat na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga field inspectorate team upang tiyakin na hindi inaabandona ng mga traffic enforcer ang kanilang puwesto matapos ihayag ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na nawawala ang mga ito tuwing kasagsagan ng trapik sa Metro Manila.

Sinabi ni Amid Crisanto Saruca, hepe ng MMDA Traffic Discipline Office, na ang mga traffic enforcer na mapatutunayang inabandona ang kanilang puwesto ay mahaharap sa kasong administratibo.

“Mayroon kaming mga inspectorate team na umiikot sa metropolis, kasama ang mga traffic head na nag-iinspeksiyon sa bawat nakaposteng traffic enforcer,” dagdag ni Saruca. (Anna Liza Vilas-Alavaren)
Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji