PIA copy

TATLONG beses na nagtangka ang bagong Miss Universe na si Pia Alonzo Wurtzbach bago napili upang mag-compete sa pinakaprestihiyosong beauty pageant na isinagawa sa Las Vegas, Nevada nitong Disyembre 20.

Emosyonal na nagbalik-tanaw si Pia kung paano siya pinagtawanan, binatikos, at binansagan pa ng ilan na “trying hard” dahil sa hindi niya pagsuko sa kanyang pangarap sa Miss Universe.

“In three years that I tried, people were laughing at me. Sabi nila trying hard daw ako,” sabi ni Pia, 26, dalawang araw bago siya umalis patungong Las Vegas para sa 2015 Miss Universe pageant.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Sinabi ni Pia: “Yes! Trying hard ako because I work really hard. I work hard because this is what I want.

“I don’t care if it looks like that I’m doing this for a showbiz comeback. I could have stopped at my first try but no! This is what I really want!”

Naalala ng fans nang gabing mag-compete siya sa ikalawang pagkakataon sa Bb. Pilipinas beauty contest noong 2014.

Umabot lamang siya sa Top 15.

Pagkatapos ng pageant, umiyak si Pia sa backstage at nagpasyang hindi na muling sasali. Pero pagkaraan ng ilang buwan, nagdesisyon siyang subukan ang Bb. Pilipinas sa huling pagkakataon.

“Lord knows how long it took me to get there. Finally, I have my own send off. I never had my own. I’m not trying to be like kawawa naman wala s’yang send off. But then it seems like I won again,” ani Pia.

FIRST TIME

Naalala rin ni Pia ang unang pagkakataon na sumailalim siya sa screening para sa Bb. Pilipinas.

“It was a biglaang screening and it was me and Ara (Arida) who arrived on the first day of the 2013 screening. I picked her up, sabi ko kay Ara daanan na lang kita so I picked her up and kaming dalawa ‘yung unang pumunta doon,” aniya.

Sinabi ng Filipino-German beauty queen na isa siya sa early birds na nilapitan ni Mrs. Stella Marquez Araneta, chair ng Binibining Pilipinas Charities, Inc.

“I think I was the first girl that Mrs. Araneta saw that day and she said to me, ‘I hope all the other candidates this year would be as beautiful as you’ she said.

“As soon as I get home, ‘kinuwento ko agad sa beauty camp ko ‘yun. Sabi sa akin ni Madam ganito. I was so kilig talaga that time,” sabi ni Pia, na kabilang sa Aces and Queens beauty camp na pinamumunuan ni Jonas Gaffud.

Pero hindi sinuwerte si Pia nang mga panahong iyon. Ang kaibigan niyang si Ara ang napiling kinatawan ng bansa sa 2013 Miss Universe contest sa Moscow, Russia. Naging third runner up sa contest si Ara.

Si Pia ang nanalong first runner up sa Bb. Pilipinas contest noon.

Sinabi ni Pia na itinatago niya hanggang ngayon ang mga nakuha niya sa pagkabigong manalo sa Bb. Pilipinas.

“I keep everything from Bb. Pilipinas because it reminds me how long I get there. I still have my screening numbers with me,” aniya.

Sinabi rin niya na inimbitahan niya ang ilang beauty queen na samahan siya sa despedida party para sa pagtungo niya sa Las Vegas ngunit iilan lamang ang nakarating.

“I invited some of the beauty queens to join me tonight. I went to their press send off before so it would be nice naman to invite them but they were busy. Okay lang… I understand,” sabi niya.

Sinabi ni Pia na maganda ang relasyon niya sa iba pang beauty queen at sa mga kaibigan sa showbiz. “I actually live alone and it’s good I have friends here.”

Aniya pa, nagsimula lamang siyang maniwala na totoong sa wakas ay lalaban na siya sa Miss Universe nang makita niya ang kanyang litrato sa website ng pageant.

“It started to sink in when I saw my picture in the Miss Universe website. I used to browse the website of Miss Universe and look at the girls. Now I am one of them and I could not believe it.” (ROBERT REQUINTINA)