Mahigpit ang paalala ng Department of Health (DOH) sa mga magulang na huwag payagang gumamit ng paputok ang kanilang mga anak sa pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay Health Secretary Janette Loreto-Garin, ngayon pa lang ay 10 katao na ang nabibiktima ng paputok, hindi pa man sumasapit ang Pasko, at karamihan sa mga ito ay paslit.

“Hanggat maaari, huwag nating bigyan at pagamitin ng paputok ang mga bata. Siguraduhin na hindi mamumulot ng paputok ang mga bata. Ang tetano ay nakamamatay at ito ay nakukuha sa impeksiyon na dulot ng sugat mula sa paputok,” anang kalihim.

Kaugnay nito, iniulat ng DoH na sa 10 nabiktima ng paputok sa bansa, walo sa mga ito ang nasa edad 5-12.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa mga biktima, walo ang nabiktima ng piccolo at dalawa ang nasugatan sa whistle bomb. Ang dalawang paputok ay kapwa ipinagbabawal sa bansa. (Mary Ann Santiago)