Sinabi ng Philippine National Police (PNP) na magpapatuloy ang law enforcement operations laban sa mga grupong banta sa seguridad na hindi saklaw ng ipatutupad na Christmas truce.

Ayon kay PNP Chief Director General Ricardo Marquez, hindi saklaw ng suspension of military operations (SOMO) ang mga tinutugis ng batas at paksa ng search warrant.

Una nang ipinahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magpapatupad ito ng SOMO laban sa New People’s Army (NPA), matapos itong aprubahan ni Pangulong Aquino, at magsisimula ng 12:01 ng umaga ng Disyembre 23 hanggang sa 11:59 ng gabi sa Enero 3, 2016.

Sinabi ni AFP Public Information Office (PAO) chief Col. Coel Detoyato na hindi saklaw ng SOMO ang law enforcement operations ng pulisya, na suportado ng militar sa pagtugis sa mga threat group at mga wanted ng batas. (Fer Taboy)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho