PIOLO AT JOHN LLOYD LANG_please crop copy

NAPANOOD namin ang advance screening ng pelikulang Honor Thy Father ni John Lloyd Cruz mula sa direksiyon ni Erik Matti prodyus ng Reality Entertainment at tiyak na hahakutin nito ang maraming awards sa Metro Manila Film Festival 2015.

Perfect ang lahat ng aspeto ng Honor Thy Father lalo na ang acting department sa pangunguna nina John Lloyd, Tirso Cruz III bilang pinuno ng isang simbahan, William Martinez bilang assistant ni Pip, Laguna 1st District Rep. Dan Fernandez, Boob Labrusca at Khalil Ramos na gumanap bilang mga kapatid ni Lloydie, Yayo Aguila na gusto mong batukan bilang mapagkunwaring mabait, at ang gumanap na asawa niyang si Lander Vera-Perez na may posisyon sa gobyerno kaya ginigipit ang mag-asawang John Lloyd at Meryl Soriano.

Napakagaling ni Meryl, nasanay kaming kikay o kasambahay ang mga papel niya kaya nakagugulat na ang husay-husay pala niya sa drama bilang asawa ni Lloydie na naengganyo ng mga kaibigan na pumasok sa pyramiding, ang negosyo na walang kasiguraduhan kung babalik pa ang pera o hindi na.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Totally ibang John Lloyd Cruz ang mapapanood sa Honor Thy Father dahil hindi siya maporma o cutie pie tulad sa ibang mga pelikula niya.

Kaya pala sumosyo si Lloydie sa pelikula, hindi para kumita kundi para may maipagmalaki siya pagdating ng araw -- na isa siya sa producers ng Honor Thy Father.

Dahil sa panggigipit nina Yayo at Lander, napilitang gumawa ng hindi maganda si John Lloyd pero nang magawan na niya ng paraan ang problema ay saka naman siya nagsisi dahil nawalan siya ng asawa.

Pero mas magandang panoorin na lang ang Honor Thy Father kaysa basahin ang review.

Tulad namin, gandang-ganda rin si Piolo Pascual na sadyang nanood sa nasabing advance screening. Panay ang iling ng aktor dahil labis siyang nagandahan sa pelikula.

“Pumasok kasi ako sa sinehan nang walang iniisip. I read the script, pero hindi ko ini-expect ang turn of events, ang sakit (ng kuwento),” pahayag ni Piolo. “I’m a movie fan, so when you ask me about the story, parang dinadala talaga ako. In times like this, talagang nangyayari mga ganitong bagay. But it’s really worth watching, hindi sayang ‘yung money mo.

“Direk Erik is a ruthless director, sa mounting niya, sa execution, he really place you there. Ako kasi may pagka-claustrophobic pa naman ako, so sabi ko, hindi ko yata kaya ‘yung nasa ilalim sila (ilalim ng tulay), pero it was so real, smell it (amoy kanal), so parang nandoon ka rin, involved ka na rin. Ang ganda ng pagkakagawa, it’s another masterpiece of Direk Erik,” mahabang sabi ng aktor.

Mas naunang nakatrabaho ni Piolo si Direk Erik kaysa kay Lloydie, sa On The Job kasama sina Gerald Anderson, Rayver Cruz at Joel Torre.

“I really wanted (to watch) the film because I want to see kung ano ‘yung ginawa ni Direk Erik at saka si Lloydie, eh, si Lloydie naman, wala kang ‘tulak-kabigin, he really does his own, mixed his own, so ibang klase talaga, pinipigilan ko lang ‘yung sarili ko kanina.

“Sa mata pa lang ni Lloydie, panalo ka na, magaling siyang magdala ng eksena, magaling siyang magdala ng istorya together with Meryl Soriano, sa kanila umiikot ang istorya, di ba? Talagang dadalhin ka nila sa kuwento hanggang sa katapusan.

“I definitely recommend for people to watch the film, kasi as much as a sad story, it’s a film na masasabing kuwento itong nangyayari hindi kasi ito ginagawa, common term na it’s out of the box, para ma-educate ka, you wanna be entertained but you wanna learn, so this film will give you that and more,” pahayag pa ni PJ.

Sinasabing sugal ang pagpapalabas ng Honor Thy Father sa Metro Manila Film Festival dahil mas gusto ng moviegoers ang saya- sayahang pelikula.

“Actually, nakakatakot, sabi ko, Pasko? Pero well-made, well-crafted, it’s a treat to the moviegoers kasi para Pasko naman, so we have the time to think. Bakasyon naman tayo, so gusto nating mag-enjoy, gusto nating ma-experience ‘yung galing ni John Lloyd, galing ni Meryl, and Tito Pip was so good, all of them.

“Siyempre, si Direk Erik Matti whom I love working with, that’s why I love watching all his movies kasi hindi siya nakikipag-compromise. He doesn’t compromise, he really shows what’s he really thinks is right, what he really thinks the film need and show it to the people and the story itself.

“It’s something na kailangang ma-experience sa generation natin kaya hindi mo dapat palampasin ang mga ganitong klaseng istorya and it’s a showcase ng John Lloyd, Direk Erik, Meryl Soriano, all of them,” say ni Piolo.

“Masakit ‘yung istorya, masakit masyado, pero tama lang naman, ganu’n talaga, pero nakakatuwa siya kasi hindi nag-isip si Direk Erik na i-please ‘yung audience, ginawa niya ‘yung pelikula because he wants the film, he wants the story to be told.”

Para sa kanya, hindi dapat kina-classify ang pelikula bilang indie o mainstream dahil pareho lang naman itong pelikula.

“I think that’s what we wanna do bilang mga mainstream actors, even the indie actors are actors, we are all actors, so I don’t think there’s a difference between a indie and mainstream film because pareho lang naman itong pelikula, that’s what we want to achieve,” pagtatapos ni Piolo.