TAGUM CITY, Davao del Norte – Nagpalabas ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng level 2 landslide alert nitong Sabado ng gabi, at nagbabala sa mga residente sa Sitio Lower Mesolong sa Barangay Sto. Niño, Talaingod, na agad na lumikas dahil sa paggalaw ng lupa sa lugar na nagbabadya ng landslide.

Sinabi ni Davao del Norte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Head Romulo Tagalo na anim na bahay ang agad na nilisan noong Sabado ng gabi at nailikas na sa ligtas na lugar ang mga residente.

Nailikas na rin ang mga pamilya malapit sa critical ground na tinukoy ng Phivolcs at ligtas na ngayon sa municipal tribal center sa Talaingod.

Ang landslide and ground movement alert na ipinalabas ng Phivolcs ay valid hanggang ngayong Lunes, Disyembre 21.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi ng PDRRMC at ng mga local counterpart nito sa Talaingod na patuloy ang kanilang masusing monitoring sa sitwasyon sa lugar.

Samantala, naglunsad na ng mga operasyon ang Davao del Norte Provincial Engineering Office para alisin ang mga sagabal sa provincial road na nag-uugnay sa Barangay Mambing sa iba pang barangay sa bayan ng New Corella na naapektuhan ng pagguho ng lupa nitong Sabado. (Alexander Lopez)