Disyembre 21, 1907 nang ipinag-utos ni Chilean Gen. Robeto Silva sa tropang militar ng bansa na pagbabarilin, gamit ang machine gun, ang libu-libong nag-aaklas na manggagawa ng noon ay namamayagpag na mga kumpanyang saltpeter sa hilagang Chile.

Sa unang bahagi ng Disyembre ng taong iyon, libu-libong manggagawa ng saltpeter mula sa disyerto ng Atacama ang lumahok sa kilos-protesta sa Iquique upang pilitin ang pamunuan ng kumpanya na magkaloob ng mas maayos na pagtrato sa mga empleyado. Sinikap ng mga raliyista na makipag-usap nang personal sa kanilang mga amo.

Sa pagpapatuloy ng kilos-protesta, sinabi ng awtoridad na nagsilbi nang banta sa seguridad at kalusugan ng publiko ang 7,000 raliyista. Nang igiit ng mga raliyista ang pagpapatuloy ng kilos-protesta, hinimok ni Interior Minister Rafael Sotomayor si Mayor Carlos Eastman na ipag-utos ang dispersal ng mga nagpoprotesta sa kahit na anong paraan.

Disyembre 21 nang paulanan ng bala ang mga nagpoprotesta sa Santa Maria School. Kalaunan, sinabi ng Chilean historian na si Sergio Grez na nasa 1,000 katao ang kung hindi man napatay ay nasugatan sa insidente.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens