Magkakabisa sa Pasko, Disyembre 25, ang dagdag-sahod ng mga manggagawa sa Bicol Region na inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB), ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz.

“The Commission has unanimously affirmed Wage Order No. RB V-17 which grants an increase of P5 per day minimum wage earners in non-agriculture establishments whose employees are more than 10 workers, and a P12 per day increase to minimum wage earners, also in non-agriculture establishments employing not more than10 workers,” ani Baldoz.

Nagdesisyon ang RTWPB na itaas ang suweldo sa rehiyon pagkatapos ng sunud-sunod na public hearing at deliberasyon.

Ang mga manggagawa sa non-agriculture establishments ay makatatanggap ng P265 kada araw. Samantala, ang mga manggagawa sa non-agriculture establishments na may hindi hihigit sa 10 ay tatanggap ng P248 bawat araw.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang mga kasambahay, mga nagtatrabaho sa personal service, kabilang ang mga driver at manggagawa sa barangay micro business enterprises ay hindi sakop ng bagong wage order. (Mina Navarro)