Si Conor McGregor (kaliwa) nang bigwasan niya ng malakas na suntok si Jose Aldo sa UFC 194 na ginanap sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas noong Sabado ng gabi (Linggo sa Manila). AP Photo
Si Conor McGregor (kaliwa) nang bigwasan niya ng malakas na suntok si Jose Aldo sa UFC 194 na ginanap sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas noong Sabado ng gabi (Linggo sa Manila). - AP Photo

Tinapos ni Conor McGregor, ng Ireland ang laban nito kay reigning champion Jose Aldo sa isang “spectacular punch” sa loob lamang ng 13-segundo sa unang round ng kanilang laban noong Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Manila) upang manatili ang undisputed featherweight title sa UFC 194 sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas.

Si McGregor (19-2) ay mabilis na tinapos ang laban sa isang electrifying na suntok ilang segundo lang, umalagwa ang kanang kamao ni Gregor sa kanang pisngi ni Aldo habang tumama sa panga ni Aldo ang kaliwang kamao nito.

Nagawa pang sumuntok ni Aldo at tamaan ang kaliwang pisngi ni McGregor, subalit hindi ito umubra sa balik na suntok ng huli na siyang naging dahilan upang lumagapak at ma-knocked out si Aldo at makamit ni Gregor ang panalo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Si Aldo, 29-anyos, ang siyang namuno sa featherweight division sa loob halos ng pitong taon kung saan nasungkit nito ang 18 sunod-sunod na panalo. Gayunman, walang puwedeng kumalma kay McGregor at makuha ang UFC featherweight title.

Ang laban ding ito ang isa sa mga mabilis na natapos sa kasaysayan ng UFC title-fight history kung saan nilampasan nito ang rekord ni UFC superstar Ronda Rousey na tumapos din ng laban sa loob lamang ng 14 segundo sa UFC 184 noong Pebrero.

Sa iba pang laban, nakuha naman ni Luke Rockhold ang middleweight title nang talunin nito ang undefeated na si Chris Weidman sa UFC 194.

Samantala, si middleweight contender Yoel Romero naman ay natakasan ang UFC 194 sa split-decision na panalo laban kay Ronaldo Souza.

Ilang minuto matapos ang laban, nagpahayag naman ng simpatiya si McGregor kay Aldo subalit sinabi nito na hindi maiwasan ang kanyang pagkapanalo.

“I feel for Jose,” ani McGregor. “He’s a phenomenal champion. He deserved to go a little bit . I still feel, at the end of the day, precision beats power, timing beats speed. All day it would have happened.”

Habang ginagamot ang dumugong ilong ni Aldo, ay agad naman itong nagpahayag ng rematch.

“He threw a cross at my chest I wasn’t expecting,” ang sabi ni Aldo. “I think we need a rematch. It wasn’t really a fight.” - AP