Rita Wilson, 1, habang ang cancer ay 0.
“I am cancer free,” ito ang mabuting balita ng Sleepless in Seattle actress/singer/asawa ni Tom Hanks nitong Miyerkules sa The Hollywood Reporter’s Women sa Entertainment Breakfast, ayon sa People magazine. “I’m 100 percent healthy!”
Na-diagnose si Wilson na may breast cancer nitong Marso. Siya ay sumailalim sa dalawang mastectomy at reconstructive surgery.
Ngayong 100 percent na ang kanyang paggaling, muli siyang nakabalik sa kanyang banda. Ang banda niya ay nakatakdang magtanghal sa Los Angeles at New York.
“It’s going to be hilarious,” pahayag ni Wilson sa People. “Me on a tour bus with my band members.” And, apparently, an Oscar winner. “[Tom] already said, ‘I am coming on the tour bus!’ So I had to get one with a bigger bed… He’s a roadie.”
“I feel really blessed and very lucky,” dagdag ni Wilson, “I want to show people that you can have cancer, and you can still be out there doing what you love to do, and it’s not a death sentence like it used to be.”
Matapos ang medical tests, sinabihan siya na wala siyang cancer. Gayunman, pinilit siya ng isang kaibigan na magpa-second opinion. At doon na ito tuluyang nadiskubre. (Yahoo News/Celebrity)