Rousey_JPEG copy new

Ronda Rousey vs Holly Holm.

Inanunsiyo kahapon ni UFC president Dana White ang nakatakdang rematch nina bantamweight champion Holly Holm at UFC superstar Ronda Rousey.

Sa tweet ng SportsCenter noong Miyerkules (Huwebes sa Manila), ang company executive ay itinakda ang labanan nina Holm at Rousey sa Hulyo 9, 2016 sa UFC 200.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Matatandaang, na-knocked out ni Holm si Rousey sa second round ng kanilang bakbakan noong Nobyembre 15 sa UFC 193 sa Melbourne, Australia.

Si “Rowdy” ay sumailalim sa six-month medical suspension makaraang tamaan ito ng sipa sa panga ni Holm. Sa interbyu kay Rousey ng ESPN The Magazine kamakailan, inamin nito halos hindi nito magawang kumagat ng mansanas at posibleng aabot sa tatlo hanggang anim na buwan pa bago siya makakain ng nasabing prutas.

Sa isa pang panayam ng Rolling Stone Magazine bago ang laban nila ni Holm, sinabi ni Rousey na gusto niya munang “mag-disappear sandali” at muli siyang babalik sa UFC 200.

Isang buwan makalipas ang malaking kabiguan ni Rousey, muling bumangon sa pagkalugmok ang UFC superstar at nagbigay ng kanyang pahayag hinggil sa pagkatalo nito kay Holm.

“I’m just really f****** sad.”

Noong Nobyembre 15 sa Etihad Stadium, nalasap ni Rowdy ang kanyang unang professional mixed martial arts (MMA) loss at ang sobrang sakit na naramdaman niya ay halos kahalintulad din ng naranasan niya sa judoka sa active competition noong mid-2000s. Ang pagkakaiba lang umano, ay ang malaking premyo maliban pa sa mas kinikilalang world title belt na nakapalibot sa kanyang beywang.

“I got hit in the first round. I cut my lip open and knocked a couple of my teeth loose. I was out on my feet from the very beginning. I wasn’t thinking clearly. I had that huge cut in my mouth and I just spit (the blood) out at my feet,” dagdag pa ni Ronda. “Then they brought back the bucket over and I’m like, ‘Why didn’t I spit in the bucket? I never spit on the ground.”

Sa muling pagbabalik ni Rousey, determinado siyang talunin si Holm at mabawi ang nakopong trono niya ng una.

“I need to come back. I need to beat this chick,” ito ang pangako ni Rousey. “Who knows if I’m going to pop my teeth out or break my jaw or rip my lip open. I have to f****** do it.” (Abs-Cbn Sports)