JOHN LLOYD SA 'HONOR THY FATHER' copy

IPINANGANAK ang ideya at kuwento ng Honor Thy Father sa 2013 Cannes Film Festival noong ipapalabas doon ang On The Job at inilaan ito para kay John Lloyd Cruz, ayon sa director at producer nito na si Erik Matti.

“Kapag nandu’n ka kasi sa Cannes, ang kalakaran doon kapag nasa meeting ka, ang unang tanong sa ‘yo, ‘what’s your next project?’ Eh, wala kaming nakalinya na next project. So noong mga first two days namin, nag-usap-usap kami nina Dondon, dapat siguro meron tayong project na sasabihin just in case may makuha tayong budget or alam mo ‘yun, may mabenta tayo,” kuwento ni Direk Erik.

At dahil humihingi rin noon si John Lloyd ng seryosong proyekto mula sa kanila, ang Honor Thy Father na may titulong “Ponzi” ang isinumite nila sa Star Cinema para sa actor.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“So right after ng On The Job, this was the material that we pitched. Talagang we wrote this for John Lloyd. And then when they read the script sabi nila, sobrang tapang pa nito. Baka hindi pa ready si John Lloyd sa ganitong katapang na movie,” dagdag ni Direk Erik.

Malapit sa co-producer niyang si Dondon Monteverde ang kuwento ng Honor Thy Father dahil andami nitong kakilalang nabiktima ng pyramiding scam, kaya ninais pa rin nilang ituloy ang proyekto. Noon nila naialok ang proyekto kay Dingdong Dantes na bida nila sa Kubot.

Pero nadagdagan nang nadagdagan ang mga araw ng shooting ng Kubot, at mas naging handa na si John Lloyd para sa kanilang bagong pelikula.

Pinangambahan nilang baka hindi magustuhan ni John Lloyd nang ipabasa nila ang script. Pero naging game ito sa kakaibang role sa Honor Thy Father.

Sa trailer pa lang ng pelikula, habang kinakalbo ni John Lloyd ang sarili, alam na kaagad ng mga manonood na malaking paghamon ang tinahak ng actor sa naturang pelikula. Malayo man sa rom-com lead roles na kinasanayang mapanood sa kanya, ayon kay Direk Erik ay mapapalapit pa rin sa puso ng mga moviegoers si John Lloyd.

“We know he is a very good actor and we know he can give more so we challenged him in this movie. Naisip din namin na gusto naming makita si John Lloyd sa lahat ng kahirapang gawin. Ang hirap physically and emotionally. Wala siyang reklamo,” ani Erik.

Bilang unang MMFF entry na pinagbibidahan ni John Lloyd, nais lamang ni Erik na tangkilikin si John Lloyd ng mga manonood sa Honor Thy Father.

“Hindi na namin ini-expect na si Vice Ganda ‘yung laki sa box office. We just want to bring the film out there. We want as many people to see it because we are pretty proud of this. We like to share the story, gusto naming mapanood nila sa sinehan because it’s talking about relevant themes this year alone,” sabi pa ni Direk Erik.

“Gusto lang namin ma-achieve talaga kapag MMFF is to bring back how it was before when most of the movies that were shown na may drama, may seryoso, ‘yun lang. That’s what we are banking on. Maybe there’s a hunger at the MMFF beyond the comedy. Nothing wrong naman with the comedy and entertaining na films, but beyond that meron ding audience na magkakagusto nito.”

Hangad ba nila ang awards para sa Honor Thy Father?

“We’re hoping that people will see the merits of the film as being well made. It is well put together, we had enough time to do it we weren’t working on a deadline kasi Hindi naman namin alam na maipaglaban kami kaagad. So we had enough time to make it look good make sure that it sounds well,” pagtatapos ni Direk Erik. (WALDEN SADIRI M. BELEN)