SID AT DIREK JOHN PAUL SU copy

IPINA-ADVANCE screening sa Sampaguita Wildsound ang Toto, ang indie film na isa sa mga ipapalabas isang linggo bago ang MMFF sa December 25.

Bida ang premyadong aktor na si Sid Lucero bilang si Toto o si Antonio “Toto” Estares mula Tacloban.

Napapanahon ang kuwento ni Toto dahil isa siya sa naging biktima ng bagyong Yolanda. Ang kanyang nanay ay may cancer. Nagtatrabaho siya sa isang hotel saMaynila at ginagawa ang lahat upang makarating sa US para makatulong sa kanyang pamilya.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Kailangan niyang gawin ito dahil nang mamatay ang kanyang ama ay wala itong naiwang pera para sa kanila. Noong nabubuhay pa, nakarating ang kanyang ama sa Las Vegas, hangad nitong maging stage performer at tuparin ang ipinangakong ipepetisyon ang kanilang pamilya. Kaya lang, naging isa lamang itong dishwasher na manginginom at sugarol. Ang bukod tanging minana ni Toto sa kanyang ama ay ang pangarap na makarating sa US dahil ito rin ang hangad ng kanyang ina.

Kung anu-ano na ang ginawa ni Toto para makakuha ng US visa, kahit pa mawala ang mga kaibigan, trabaho, dignidad at puso. Malaki ang naging pagkakautang niya para lang makamit ang kanyang pangarap.

Ang hindi niya natatanto, para na rin siyang nakarating sa America sa hotel na pinaglilingkuran niya. Ang mga bisita ng hotel ay kumakatawan sa “the good, the bad, and the ugly of America”. Nang maging biktima ng panloloko, nawalan ng pag-asa si Toto. Pero isa rin namang mabuting Amerikano ang hindi niya inaasahang tumulong sa kanya.

Ang Toto ay tungkol sa “power of the dream”.

Kuwento ni Direk John Paul, “Although the failures of his father haunt him, it’s the power of his father’s dream that fuels him, not just for himself, but for those he loves, to help better their lives and achieve their own dreams. Some call it the American Dream, but for those beyond the US it’s simply ‘the dream’. After all, there’s a Toto that resides in all of us.” (ADOR SALUTA)