Nakiusap kahapon si Speaker Feliciano Belmonte, Jr. sa mga miyembro ng Kamara de Representantes na dumalo sa nalalabing dalawang linggo ng sesyon upang masiguro ang pagpapasa sa 2015 Salary Standardization Law (SSL), Bangsamoro Basic Law (BBL), at ratipikasyon ng General Appropriations Bill (GAB) of 2016.

“Umaapela ako sa aking mga kasamahan na dumalo sa sesyon at aksiyunan ang mahahalagang panukala. Hindi magiging batas ang ganitong mga panukala kung wala kayong suporta at kooperasyon,” pahayag ng Speaker.

Sa kabila ng malimit na pagkawala ng quorum sa Kamara, naniniwala si Belmonte na diringgin ng mga kongresista ang tawag ng tungkulin upang talakayin at ipasa ang priority measures at iba pang naka-pending na panukala.

National

Ilang bahagi ng bansa, uulanin dahil sa shear line, easterlies

“In the first place, these measures would not have reached the plenary without the support of our lawmakers during the hearings on these bills by the different committees concerned. I remain confident and hopeful that our lawmakers will not just abandon these important pieces of legislation in the plenary,” ayon kay Belmonte. (BERT DE GUZMAN)