Abot sa dalawampung milyong mahihirap at matatanda ang mabibiyaan ng P43.43 bilyong inilaan para sa premium o kontribusyon ng mga ito, iniulat ng PhilHealth.

Sa regular na Kapihan with the PCEO, binanggit Atty. Alexander Padilla na mahigit 15 milyong maralita at 4 milyong senior citizen ang malilibre sa kanilang kontribusyon sa 2016.

Ngunit nilinaw ni Padilla na hindi awtomatikong babayaran ng PhilHealth ang premium ng mga senior citizen na mayroon pa ring trabaho.

Inihayag din Padilla na nasa 90 milyong Pinoy na ang miyembro ng PhilHealth o 88 porsyento ng populasyon at patuloy ang pagpupursige nila na masakop ang natitirang 12 porsyento na karamihan ay nasa informal economy, gaya ng mga katutubo, at low income families, gaya ng mga tindero at pedicab driver. (Mac Cabreros)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'