GINANAP last Monday ang final shooting day ng MMFF entry na My Bebe Love #KiligPaMore starring Vic Sotto, Ai Ai de las Alas, Maine Mendoza (Yaya Dub) at Alden Richards, produced ng GMA Films, OctoArts Films, M-ZET TV Production, APT Entertainment and MEDA Productions. 

Itong My Bebe Love #KiligPaMore ang bale magsisilbing first movie together ng AlDub and at this point, excited na ang libu-libong fans ng phenomenal split-screen tandem na maipalabas ito. 

Ang #TeamAbroad, nagre-request kay Direk Joey Reyes (writer/director ng pelikula) kung puwedeng magkaroon ng international screening. Kalahati yata ang bumubuo ng AlDub fans ay nasa ibang bansa at hindi makakauwi ngayong araw ng Pasko kaya humihingi silang madala rin sa abroad ang pelikula. 

Kung tama ang dinig namin, gumagawa na ng paraan ang mga producer ng pelikula para maipalabas din ito sa iba’t ibang bansa, at yung mga narito ay nagre-request naman kung puwedeng gawin ang premiere night sa Philippine Arena, ang venue ng “Sa Tamang Panahon” na gumawa ng kasaysayan sa mundo ng telebisyon. 

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

My Bebe Love #KiligPaMore is said to be the movie to bet -- as far as box-office return is concerned -- in this year’s MMFF. Sinisigurado rin ng AlDub fans na susugod sila sa MOA grounds kung saan magsisimula ang Parade of Stars. 

Nakaiskedyul na rin ang promo appearance ng AlDub, kasama sina Vic Sotto at Ai Ai de las Alas sa Cebu (December 17) at Davao (December 18), at ang grand premiere naman ng May Bebe Love #KiligPaMore ay magaganap sa December 21.

(LITO T. MAÑAGO)