PAREHO na naming napanood ang teaser ng dalawang pelikulang panlaban ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival, All You Need is Pag-ibig at ang The Beauty and The Bestie.

In fairness, may dating ang entry ni Kris Aquino this year na sa bukana pa lang ng trailer ay nakakatawa na tinatanong sa restaurant kung may kasama, pero wa’ nga! For the first time, mukhang magde-deliver ng “hugot lines” sa pelikula si Kris.

Tulad ng mga nauna niyang MMFF movies, tiyak na hahakot na naman ito ng pera sa box office at malaki ang posibilidad na maging top grosser.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Kasama ni Kris sina Derek Ramsay, Kim Chiu, Xian Lim, Jodi Sta.Maria, Ian Veneracion, Pokwang at James “Bimby” Yap directed by Antoinette Jadaone, ang creator ng blockbuster hits na You’re My Boss at That Thing Called Tadhana.

Napanood din namin ang teaser ng The Beauty and the Bestie na pinagbibidahan naman nina Coco Martin at Vice Ganda.

Nakakaaliw din ang naturang movie at walang dudang lalaban din ito sa pahabaan ng pila sa takilya sa Pasko.

Pero ayaw magkomento ni Direk Wenn Deramas, director ng naturang pelikula, nang tanungin namin kung aling pelikula sa palagay niya ang magiging top grosser. Masyado pang maaga, aniya.

Ilang MMFF entries ni Direk Wenn ang naging top grosser, The Amazing Praybeyt Benjamin ang pinakahuli. Hindi nagawang talunin ng mga nakalaban ang naturang pelikula na mula sa umpisa at hanggang sa matapos ang MMFF 2014.

This year, bukod kina Vice at Coco, mapapanood din sa The Beauty and The Beastie ang numero unong love team nina James Reid at Nadine Lustre. Kaya malaki ang posibilidad na maging top grosser uli siya, bagamat may mga nagki-claim na tiyak sila na raw ang magna-number one.

“Naku, hayaan mo na sila. Basta ako, eh, payo ko lang sa kanila na hintayin na lang natin ang the big day when i-announce mismo ng MMFF ang tunay na top grosser,” sey ni Direk Wenn.

Pero marami ang nakakapansin na walang masyadong ingay ang MMFF. Kumpara kasi sa mga nagdaang taon, November pa lang ay pinag-uusapan na ang piyesta ng pelikulang Pilipino.

“Sa totoo, lang mas pinag-uusapan pa ngayon ang presidential election. Bawat sulok ngayon, eh, sina (Rodrigo) Duterte, Grace Poe at Mar Roxas ang topic ng mga tao,” sey pa sa amin ng kilalang direktor. (JIMI ESCALA)