Disyembre 5, 1952 nang magsimulang lumitaw ang smog sa London, England. Sa umaga, nagigising ang mga taga-London sa napakalamig na hangin, kaya gumamit sila ng heater. ‘Di nagtagal, binalot ng hamog ang Big Ben, St. Paul’s Cathedral, at ang iba pang lugar sa London.

Pagsapit ng hapon noong araw ding iyon, ang hamog ay naging smog.

Sa loob ng limang araw, ang 30 milya ang lawak na Great Smog—na kaamoy ng bulok na itlog—naparalisa ang transportation system ng lungsod, maliban sa Underground train service. Hinimok ng mga awtoridad ang mga magulang na panatilihin sa loob ng bahay ang kanilang mga anak.

Dumami ang mga namatay sa London, dahil sa bronchitis at pneumonia na pitong beses na dumami ang kaso.
Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'