Mas malaki ang tsansa ng pilipinas na makapagkuwalipika sa 2016 Rio Olympics Road race event matapos umangat sa inilabas na Asian Tour Ranking ng asosasyon nitong Union Cycliste International (UCI).

Huling pagkakataon ng Pilipinas na madagdagan pa ang kinakailangang puntos sa pagsabak nito sa pinakahuling Olympic qualifier na Tour of Jelajah ngayong Disyembre 9-13 na gaganapin sa Malaysia.

Umangat ang Pilipinas mula sa ikaanim tungo sa pangkalahatang ikalimang puwesto base sa inilabas na November 25 UCI Asia Tour Ranking sa natipon nitong 264-puntos na 12-puntos lamang na napag-iiwanan sa nasa ikaapat na South Korea na kinakailangan nitong ihulog upang makatuntong sa 2016 Rio De Janeiro Olympic Games.

Ito ang pinakamalapit na tsansa ng Pilipinas para makasali sa Olimpiada nang maipatupad ng International Olympic Committee (IOC) ng mahigit 40-puntos na nakuha ni Mark Galedo pati na ang kanyang 7-11 Road Bike Philippine Continental team sa paglahok sa Tour De Singkarak at Tour of Borneo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sasalihan nina Galedo kasama ng buong 7-11 riders ang pinakaimportanteng karera sa kani-kanilang career na 2.2 UCI Jelajah Tour kung saan makatutunggali nila ang iba pang bansa na naghahangad ding masungkit ang nakatayang silya sa Olympic kabilang ang nasa ikaapat na South Korea, 6th ranked Hong Kong na kulang ng 16-puntos sa likod ng Pilipinas at ang 7th placer at host Malaysia na kulang ng 54-puntos.

Sinabi ni 7-11 Director Ric Rodriguez na ang pagsali ng mga pinakamalalapit na kalaban ng Pilipinas sa karera ang isa sa pinakahadlang sa kanilang pag-asam sa Olympic slot bagaman kaya ng mga Pilipinong rider na masungkit ang kinakailangang puntos.

Inihayag din nito ang ilang biglaang pagbabago sa ruta ng karera sa Tour of Jelajah kung saan inalis ng organizers ang dalawang karera na matatapos sa ituktok ng bundok Cameroon at Genting Highlands at palitan nito ng dalawang flat stages ay inaasahang papabor sa mga Malaysian sprinter.