Benjamin Alves4 copy

IPINAKILALA kamakalawa si Benjamin Alves bilang bagong ambassador ng GMA Network Excellence Award, ang 14 na taon nang corporate social responsibility program ng network. Kinikilala nito ang pinakamatatalinong graduating students sa mga kursong Mass Communication, Multi-media Arts, Advertising o iba pang equivalent course sa communication, at Electronics and Communications Engineering.

Ngayong taon, maglilibot si Benjamin sa iba’t ibang universities sa buong Pilipinas dahil nationwide na ang sakop ng GMA Network Excellence Award na sa kasalukuyan ay may tatlumpu’t siyam (39) nang recipients. Ang ilan sa kanila, kasama ang ilang naging finalists, ay nagtatrabaho na sa Kapuso Network

Open for nominations na ang GMA Network Award para sa academic year 2015-2016. Ang aspirant, na tatanggap ng P50,000 at plaque, ay kinakailangang magtatapos bilang Cum Laude at aktibo sa extra-curricular activities. Maaaring makipag-ugnayan kay Ms. Unis Loleng, manager ng GMA corporate relations, ang interested parties sa [email protected].

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

May karapatang maging ambassador ng GMA Network Excellence Award si Benjamin Alvez, ang posisyon na binakante ni Dingdong Dantes.

Ipinakilala si Benjamin bilang Vince Saldana nang pumasok sa show business noong 2008. Nagsimula siya bilang modelo na sumali at naging finalist sa Close-Up to Fame model-search competition sa ABS-CBN. Simula noon, naging contract star siya ng Viva at napanood sa mga pelikula nito at sa mga teleserye ng RPN-9, ABS-CBN at GMA-7.

Umalis siya sa showbiz pagkaraan ng isang taon para ipagpatuloy ang pag-aaral. Kumuha siya ng English Literature sa University of Guam. Ang four-year course, ayon kay Benjamin nang interbyuhin namin kamakalawa sa Executive Lounge sa 17th floor ng GMA Network Center, ay tinapos niya sa dalawa at kalahating taon.

“Minadali ko ang pag-aaral dahil alam kong mahihirapan na akong makabalik sa showbiz kung magtatagal ako,” sabi niya.

Sa kabila ng double loads bawat semester, grumadweyt siya as Summa Cum Laude.

Katatapos lang ng lastest TV series niyang Beautiful Stranger at tinatapos naman ang isang indie film na isasali sa Cinemalaya Festival next year.

Isa rin si Benjamin sa owners ng Books and Borders Café sa Timog na magbubukas ng bagong branch sa The Fort.

 

Bagamat madalas masulat bilang pamangkin ng famous uncle niyang si Piolo Pascual, hindi pa masyadong sumisikat si Benjamin. Sa looks, sa achievement, sa passion sa buhay, career at sa paghubog ng kinabukasan ng ating bansa, karapat-dapat din siyang umani ng lubos na paghanga ng publiko. (DINDO M. BALARES)