DAHIL sa patuloy na pag-iinit ng daigdig, nasaksihan ng sangkatauhan ang iba’t ibang eksena ng mistulang pagwawakas ng mundo para sa susunod na henerasyon, mula sa pagtindi ng tagtuyot, ng mga bagyo, at baha, hanggang sa mabilis na pagkatunaw ng yelo at pagtaas ng karagatan.

Ngayon, sa isang bagong pag-aaral na inilathala nitong Martes, kasabay ng pagsisimula ng United Nations climate conference sa Paris, nadagdagan pa ang inaasahang lagim sa hinaharap: ang panganib sa sukdulan ng pag-iinit ng mundo ay maaaring magpalaho ng oxygen sa planeta.

“We have identified another possible consequence of ... global warming that can potentially be more dangerous than all others,” sinabi ng isang pares ng siyentista mula sa University of Leicester ng Britain.

Ang kanilang pag-aaral, na ibinatay sa peer-reviewed journal na Bulletin of Mathematical Biology, ay halaw sa isang computer model ng phytoplankton, ang napakaliliit na halaman sa dagat na lumilikha ng nasa two-thirds ng oxygen sa hangin.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang karaniwang pag-iinit ng mundo na 6 C (10.8 degrees Fahrenheit) ay magbubunsod ng pagpalpak ng mahalagang kakayahan ng phytoplankton sa paglikha ng oxygen, ayon sa kanila.

“It would mean oxygen depletion not only in the water but also in the air,” sabi ng grupo. “Should it happen, it would obviously kill most of life on Earth.”

Nahigitan na ng pag-iinit ng 6 C ang mainstream projections, bagamat una nang nagbabala nito ang International Energy Agency (IEA) kapag walang naging hakbangin upang baligtarin ang pagtaas ng greenhouse-gas emissions.

Ayon sa maraming siyentista, sakaling maabot ang mataas na temperaturang ito, maaari itong mauwi sa hindi kontroladong carbon emissions sa loob ng mahabang panahon—o mula sa tipping point gaya ng pagsingaw ng methane gas mula sa natutunaw na permafrost, na maaaring magpalubha sa pag-iinit ng planeta.

“The message from this study is that there may be another disaster approaching us as a consequence of global warming, and it may be much worse than all other consequences identified previously,” sinabi ng isa sa mga may akda ng pag-aaral, si Sergei Petrovskii, sa Agence France-Presse.

“There may be very little warning signs before the disaster actually happens... but once the critical threshold is passed (as estimated at 6 C), then the catastrophe will develop fast,” paliwanag niya.