Nobyembre 30, 1872 nang isagawa ang unang international football match sa West of Scotland Cricket Club grounds sa Hamilton Crescent sa Patrick, Scotland, sa pagitan ng Scotland at England. Sa laban, na sinaksihan ng 4,000 katao at nagkakahalaga ng isang shilling ang bawat ticket, hindi nakaiskor ang alinman sa dalawang koponan.

Idinaos kaugnay ng selebrasyon ng St. Patrick’s Day, naglaro ang 11 Scottish na pinili mula sa Queen’s Park, na noon ay pangunahing Scottish football club. Ang mga manlalaro ng Scottish team ay pinili ng goalkeeper at captain na si Robert W. Gardner, habang ang mga English player ay kinuha ni Charles Alcock mula sa siyam na magkakaibang club.

Natapos ang pagpili “with some difficulty, each side losing some of their best men almost at the last moment.”

Original na itinakda ng 2:00 ng hapon, naantala ng 20 minuto ang laro dahil sa makapal na hamog. Si Willy Keay ng Scotland ang nagsilbing referee.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’