Laro ngayon Cuneta Astrodome (Game 2)

4 pm -- Petron vs Foton

Pilit na kukumpletuhin ng Foton Tornadoes ang mala-“fairy tale” nitong kampanya ngayong hapon sa pagbabalik nito sa inaasahang lugar ng digmaan kontra sa nagtatanggol na kampeong Petron Blaze Spikers sa matira-matibay na Game 2 ng 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix best-of-three finals sa Cuneta Astrodome.

Lalapit sa kasaysayan ang Tornadoes ganap na 4:00 ng hapon matapos na unang biguin ang nagtatanggol na kampeon na Blaze Spikers upang pormal na tanghaling ikatlong kampeon sa liga sa pagsungkit sa importanteng panalo para sa pinaka-una nitong korona sa presthiyosong torneo sa bansa.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“I like our position for Game 2,” sabi lamang ni Foton team manager Alvin Lu. “”Kasi nasa amin ang advantage, pero we can’t afford na magrelax kasi definitely, pinaghahandaan kami ng Petron ang Game 2. They have the capacity to bounce back.”

“Sabi ko sa mga player, presence of mind na lang,” sabi pa ni Lu sa sa pagkakataon nito sa korona ng inter-club na torneo na suportado ng Asics kasama ang Milo, Senoh, Mikasa at Mueller bilang technical partner.

Sasandigan muli ng Tornadoes ang matangkad na frontline nina American import Lindsay Stalzer at Katie Messing pati na ang national team mainstay na si Jaja Santiago upang hablutin ang pinakaimportanteng panalo tungo sa inaasam nitong pagtuntong sa kasaysayan ng liga.

Matatandaang, puro kabiguan ang nalasap ng Tornadoes sa mga una nitong laban bago na lamang bumangon sa ikalawang yugto upang harapin ang nanguna sa eliminasyon na Philips Gold sa do-or-die semifinals.

Nagawa ng Tornadoes na talunin ang Lady Slammers sa klasikong limang set upang harapin ang Blaze Spikers sa finals.

Hindi pa nagwawagi ang Tornadoes sa kanilang ilang ulit na pakikipagharap sa Blaze Spikers bago na lamang nito ginulantang ang lahat sa pagtatala ng pinakauna nitong panalo na isinagawa pa nito sa kampeonato.

“The job is not yet done. We’re not yet ready to relax,” sabi ni Foton coach Villet Ponce-de Leon na matatandaang giniyahan ang Blaze Spikers sa ilang kumperensiya sa liga. “We’re just one win away. If we need to double our effort in Game 2, we will gladly do it.”

“What we have is a magical season. We were down at the start, but we regrouped and overcame all the obstacles. We just have to keep on working because fairy tales do come true,” sabi pa ni de Leon.

Matapos mabigo sa unang set, bumalikwas ang Foton sa matinding net defense, mahusay na reception at mabalasik na atake upang dominahin ang Petron sa ikalawa at ikatlong set bago tuluyang itinakas ang 14-25, 25-21, 25-19 at 25-22 na apat na set na panalo.

Nananatili namang optimistiko si Petron coach George Pascua na makakaahon at mas nakatuon ito sa detalye upang itabla ang labanan.

“Same pa din and plano, we just have to lessen our unforced errors and those small things that doomed our chances in Game 1,” sabi ni Pascua, na aasahan muli sina Dindin Manabat, Aby Marano, Ces Molina, Rachel Anne Daquis at Brazilian import Rupia Inck kasama si Erika Adachi.

“Yes, Foton has a very tall frontiline, but I know we can neutralize it similar to what we did in the first set of Game 1. The team promised to do its best, I told them that it doesn’t matter how we start, what matters most is how we will finish (the series).”