Laro sa Lunes sa Cuneta Astrodome

4 pm -- Petron vs Foton

Hindi nagkukumpiyansa ang Foton Tornadoes at mas lalo pa nitong inaalis ang pagiging kampante kahit pa nagawa nito na maitakas ang apat na set na panalo, 14-25, 25-21, 25-19 at 25-22 kontra nagtatanggol na kampeong Petron sa Game 1 ng 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix best-of-three finals Huwebes sa Cuneta Astrodome.

Ito ay matapos na mabagal na magsimula ang Tornadoes bago unti-unting nag-init tulad ng isang nag-aapoy na bola upang gulatin sa pinaka-unang pagkakataon ang madalas nagpapaiyak dito na Blaze Spikers tungo sa bentahe na masungkit ang pinakauna nitong kampeonato sa tatlong taong liga.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We were expecting them to fight back. So what we did was we hold on to our game. We know that if we lose it, they will surely take advantage and eventually take the victory away from us,” sabi ni Foton Tornadoes coach Ma. “Villet” Ponce-de Leon.

Nagtulong-tulong ang sarili nitong triple tower na binubuo nina import Lindsay Stalzer at Katie Messing at bagong rekrut na si Jaja Santiago upang tulungan ang Tornadoes na masungkit ang 1-0 abante sa kampeonato ng torneo na suportado ng Asics kasama ang Milo, Senoh, Mikasa at Mueller bilang technical partner.

“They were very tight in the first set. But they picked up their energy in the second and third sets, which is very good for a young team like us,” sabi ni Ponce-de Leon, na asam maitulak ang kanyang koponan mula sa pagiging ikaapat na puwesto sa semifinals tungo sa korona.

Ipinadama ng 6-foot-3 mula sa Chicago na si Stalzers ang puwersa sa pagtatala nito ng kabuuang 23 kills para sa kabuuan na 25-puntos habang nagdagdag sina Messing at Santiago ng 17 at 10 puntos na asam maging ikatlo lamang na koponan na nagawang makapagkampeon sa liga.

“We don’t need to relax now. We’re already here. We’re just one win away. If we need to double our effort in Game 2, we will gladly do it,” sabi pa ni Ponce-de Leon na pilit na kukumpletuhin ang kanilang tila may mahikang kampanya ngayong taon. “After all, fairy tales do come true.”

Optimistiko naman si Blaze Spikers’ coach George Pascua na makakabangon ang kanyang 2-time champion na koponan sa pagsasagawa ng matinding istratehiya sa pagsabak nito sa Tornadoes sa matira-matibay na Game 2 sa Lunes sa Cuneta Astrodome.

Ito ang unang pagkakataon para sa Blaze Spikers na napunta sa disadbentahe sa finals na tila kakaibang lugar para sa mga miyembro ng kopnan.

“First time ito, so we treat it as a challenge,” sabi ni Pascua, na asam na maging ikalawang coach na tanging nakagawa ng bihirang masungkit na grand-slam.

Matatandaan na noong mapanalunan nila ang unang korona sa Grand Prix kasama sina import Alaina Bergsma at Erika Adachi ay nagawang walisin ng blaze Spikers ang Generika sa dominanteng paglalaro. Ilang buwan ang lumipas ay nagposte ito ng 10-game sweep sa double-round eliminations upang biguin ang Shopinas sa finals.