Libu-libong biktima ng sunog at kalamidad sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at karatig na mga probinsiya ang binigyan ng tulong ng programang Gabay at Aksyon, na pinamumunuan ni Rose Solongan, isang batikang miyembro ng media.

Sa selebrasyon ng ika-16 na anibersaryo ng Gabay at Aksyon sa Atrium Hotel sa Pasay City noong gabi ng Nobyembre 25, naging matagumpay ang programa sa suporta ng mga lokal na pamahalaan at non-government organization, kaya naayudahan ang mga nangangailangan ng tulong, partikular ang mga biktima ng sunog at bagyo, simula nang maitatag ito noong 1999.

Tiniyak naman ni Solongan na magpapatuloy ang kanyang programa para lingapin ang mahihirap na residente, kasunod ng pagpapaabot niya ng pasasalamat sa mga LGU at iba’t ibang organisasyon.

Kabilang sa tinututukan ng programa ang food feeding, pamamahagi ng tsinelas sa kabataan, at iba pang proyekto para sa kapakanan ng mga naapektuhang residente.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Pinahalagahan naman ng grupo ang pagdalo nina Pasay City Mayor Antonino Calixto, Pasay Rep. Emi Calixto-Rubiano, dating Laguna Governor Emilio Ramon “E.R.” Ejercito Jr. at maybahay nitong si Pagsanjan Mayor Maita Sanchez, dating Parañaque City Mayor Florencio Bernabe at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan mula sa Metro Manila at karating-lalawigan na tumanggap naman ng plaque of appreciation. (Bella Gamotea)