‘HALIMAW’ ang paglalarawan kay Arjo Atayde ng mga tagasubaybay ng Ang Probinsiyano dahil sobrang sama raw ng karakter niya bilang si Joaquin.

Napanood namin ang episode noong Lunes na binalaan ni Joaquin si Diego (Ping Medina) na mag-ingat dahil ang pagkakaalam ni Cardo (Coco Martin) ay patay na siya at binilinan din na huwag ipaalam sa tatay nitong si Tomas (Albert Martinez) na nagdududa ang pulis probinsiyano dahil tiyak na malalagot siya.

Napakanatural umarte ni Arjo, walang masyadong galaw pero mata pa lang ay naninindak na at nakadagdag pa ang laki ng boses niya.

Anyway, hindi lang magaling umarte si Arjo kundi marunong ding kumanta. Ipinarinig niya ang boses niya sa mga bisita sa kanyang 25th birthday party noong Nobyembre 15 na dinaluhan ng kanyang mga kaibigan kasama ang ilang cast ng Ang Probinsiyano minus Coco na may out of town commitment at mga TV head sa pangunguna ng business unit head nilang si Deo Endrinal.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Labis-labis ang pasasalamat ni Arjo sa magagandang break na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN, biggest itong pagkokontrabida niya kay Coco sa Ang Probinsiyano kaya nangako siyang pagbubutihin pa niya ang pag-arte niya.

Siyempre dumalo rin sa party niya ang kanyang buong pamilya na pinasalamatan din niya lalo na ang Papito at Mamita niya na sobrang busy at magulang na sina Art Atayde at Sylvia Sanchez (punong abala sa okasyon) at mga kapatid na sina Ria, Gela at Xavi.

Samantala, sa susunod na linggo ay bubuksan na ni Arjo ang kanyang restaurant sa Pasig City kasosyo ang mga pinsan.

Loveless pa rin si Arjo sa edad na 25 dahil ang prayoridad niya ay career at umasenso ang business niya.

(REGGEE BONOAN)