Naitala ni Filipino boxing prospect Dodie Boy Peñalosa Jr. ang ikatlong panalo sa tatlong buwan na niyang pagkampanya sa Estados Unidos.

Pinabagsak ng 24-anyos na si Penalosa si Indiana native DeWayne Wisdom sa pamamagitan ng body shot sa fourth round tungo sa isang six-round unanimous decision win na ginanap sa Masonic Temple sa Norfolk, Virginia.

“Malaki ng four pounds ‘yung kalaban kasi ang sabi sa amin 125lbs. ang timbang na paglalabanan namin. Pero ok na din kasi at least may mga laban na kami,” ani father-trainer Dodie Boy, Sr.

Lahat ng tatlong judges ay nagbigay ng pare-parehong 60-52 score.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bago pinulbos si Wisdom ay naglista si Penalosa ng four-round decision win kontra Stephon McIntyre ng Georgia noong September 26 sa Virginia at dinomina naman ng Cebuano boxer si Greg Coverson, Jr., ng Detroit sa kanilang six-round bout dalawang linggo na ang nakakaraan sa Wichita, Kansas.

“Next fight namin baka next month na pero eight rounds na ang sabi ng manager namin,” ani Peñalosa, Sr.

Si Penalosa, Jr., kasama ang nakababatang kapatid na si Dave ay kapipirma pa lang ng managerial deal kay American manager Cameron Dunkin na hawak din si multi-division world champion Nonito Donaire, Jr.

Samantala dahil sa huling panalo ay naitaas na ni Penalosa ang kaniyang unblemished record sa 16-0, 12 by knockouts.

(DENNIS PRINCIPE)