Umaga ng Nobyembre 21, 1980 nang sumiklab ang apoy sa MGM Grand Hotel and Casino (ngayon ay Bally’s Hotel and Casino) sa Las Vegas, Nevada, na ikinasawi ng 87 katao at ikinasugat ng 650 iba pa.

Unang namataan ng mga bombero ang mga bisita ng hotel na natatarantang makalabas sa gusali sa pagbabasag ng mga bintana upang makababa gamit ang mga ginawang tali na gawa sa kumot. Walang kamalay-malay ang mga bisita na nangyayaring sunog hanggang sa pumasok na ang usok sa kanilang mga kuwarto.

Kahit na may 200 bombero sa lugar, hindi nagawang maabot ng hagdanan ang ikasiyam na palapag ng hotel. Naapula ang apoy makalipas ang ilang oras.

Nang mga panahong iyon, nasa 5,000 katao ang nasa ika-26 na palapag ng hotel. Nasa 550 naman ang kabuuang bombero.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Disyembre 1973 nang buksan sa publiko ang hotel, na mayroong 2,078 silid.