Hindi nag-aksaya ng oras si University of the East (UE) coach Derrick Pumaren kung kaya’t nagsimula na ang paghahanda ng kanilang koponang UE Red Warriors para sa susunod na UAAP season.

Hindi nakasama ang Red Warriors sa Final Four at natapos sila sa torneo na may 6-8, panalo-talo na rekord, subalit positibo si Pumaren hinggil sa gustong marating ng koponan para sa Season 79.

“I’m pretty excited,” ito ang kanyang sinabi makaraang talunin nila ang University of the Philippines (UP), 79-67, at natapos ang kanilang season sa mataas na marka.

“I can’t wait to see this team next year. These guys, having one-year experience and mag-mature… I can’t wait,” ayon pa kay Pumaren.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Mawawalan lamang ng isang player si Pemaren- ang beteranong big man na si Chris Javier, na nagtala ng average na 11.2-puntos at 6.6 rebound sa kanyang final year sa Red Warriors.

Nasa Warriors pa naman sina Bonbon Batiller, Paul Varilla at Clark Derige, ang tatlong player na kuminang sa magkakaibang puntos sa season na ito, kabilang din ang malalakas na guard na sina Fran Yu, Philip Manalang at Edgar Charcos. (Abs-Cbn Sports)