Ngayong Linggo ipinagdiriwang natin ang dakilang kapistahan ng Kristong Hari. Nang ipako sa krus si Hesus, isang karatula ang ikinabit sa kanyang ulunan na may katagang INRI, na sa salitang Latin ay nangangahulugan na “Iesus Nazarenus Rex Iudaeorum.” Habang sa Ingles naman ay “Jesus of Nazareth King of the Jews.”

Para sa mga taga-Ilocos Norte katulad ko, ang INRI ay nangangahulugan na “Ilocos Norte Region I.” Kaya “kababayan” namin si Hesus.

Puwera biro, ating naitatanong: Si Kristo nga ba ay isang hari? Nang si humarap si Hesus kay Pilato, siya ay tinanong, “Ikaw ba ang hari ng mga Hudyo?”

Hindi naman nagkaila si Kristo na siya ay isang hari. Ngunit sinabi niya, “My kingdom does not belong to this world” (Jn 18,36).

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

May isang kuwento sa tunay na buhay tungkol sa pagkakabalita ni Joseph Stalin, supreme head ng Central Communist Party of Russia, sa mga Swiss guard ng papa, sarkastiko niyang itinanong: “Gaano karaming dibisyon (ng mga sundalo) mayroon ang papa?” Sumagot ang papa at sinabing, “Sabihin mo sa aking anak na si Joseph na malalaman niya ito sa kabilang buhay.”

Ang kaharian ni Kristo ay hindi lamang isang lugar ngunit isang REIGN na kukumpleto sa puso ng isang tao mula sa kanyang motibo, asal at ugali. Kaya’t idineklara ni Kristo: “The kingdom of God is within you.” Ibig sabihin, kapag ang puso at ugali ng isang tao ay matapat at mapag-aruga, naroon ang kaharian ni Kristo.

Ang tanong ay, “Ang kaharian ba ni Kristo ay nasa ating bansa, tahanan at komunidad?” Iyon ay kung, ang ating lipunan at pamilya ay binubuo ng pagmamahalan at kapayapaan?

Sa ating tahanan, pamalihan at pinagtatrabahuhan, tinatrato ba natin ng tama at pantay ang mga trabahador?

Sa mga mag-asawa, mayrooon bang tunay na pagmamahalan at katapatan? Ang mga mag-asawa na hindi rumerespeto sa hindi pagsasabi ng totoo ay nagiging ugat ng maraming away, kalungkutan, at mapait na paghihiwalayan.

Sikapin natin na mapalaganap palagi ang kapayapaan, pagkakapantay-pantay at pagmamahalan. Kung ang mga ito ay tampok sa ating pamilya, komunidad at lipunan, ang kaharian ng Diyos ay sumasaatin. (Fr. Bel San Luis, SVD)