Hindi lang dinepensahan ng retiradong Amerikanong superstar na si Floyd Mayweather Jr., ang natalong si UFC champion Ronda “Rowdy” Rousey- kundi inalok niya pa ito na tutulungan upang lalong gumaling sa kanyang boxing skill.
Magugunitang, sina Mayweather at Rousey ay nagkaroon ng palitan ng pang-iinsultong salita sa bawat isa sa pamamagitan ng social media, subalit nang talunin si Rousey ni Holly Holm sa UFC 193 noong nakalipas na Linggo, ay nagpahayag ng simpatiya ang una at dinepensahan ito mula sa kanyang mga kritiko.
“I don’t think it’s cool how everyone is trolling her on social media,” ang pahayag ni Mayweather sa interbyu ng Fight Hype. “(There are) certain things you have to learn.”
“People will love you on Friday, and then Sunday morning, it’s nothing but negative comments and people making jokes and people making fun about you, which I don’t think is cool,” dagdag pa nito.
“I’ve never been on the other side, so I don’t know how it feels. I’m pretty sure she’s a very, very strong person, but we still have to take into consideration that she has feelings.”
“In due time, she’ll bounce back,” ang sabi pa ng retiradong boksingero na nagbigay din ng pangaral kay Rousey na huwag maging desperado at kung kinakailangan nito ng tulong kung boksing ang pag-uusapan, nakahanda niya itong turuan.
“Don’t let this discourage you,” he said. “If you need help as far as boxing, I’m here to help you.”
Si Holm ay dating kampeon sa boksing na kanyang ginamit sa laban nila ni Rousey bago nito ibinigay ang matinding sipa at quick punches na naging sanhi upang ma-knockout si Rousey sa second round.
Samantala, madiin namang itinanggi ni Hall of Fame boxing trainer Freddie Roach inalok siya na hawakan ang pagsasanay para lalo pang gumaling sa boxing skills si Rousey.
Hindi naman itinanggi nito na marami siyang natatanggap na tawag mula sa mga tao na humihiling na tulungan si Rousey na mapabuti lalo ang galing nito sa boksing.
“I haven’t talked to anybody,” ang giit ni Roach. “Nobody has contacted me. I promise.” (Abs-Cbn Sports)