MAHIGIT pitong buwan matapos siyang matalo kay Floyd Mayweather, Jr., namamalaging isa sa mga kinikilalang personalidad sa pandaigdigang palakasan si Manny Pacquiao. Siya lang ang nagkampeon sa walong dibisyon, at naitala ito sa Guinness World Records.

Hindi lamang isang pagkakataon na isinama siya ng Forbes mag sa listahan ng mga atlentang may pinakamalalaking kita, bukod pa sa kinilala siyang: Fighter of the Decade (2000-2009), ng Boxing Writers Association of America at HBO; Boxer of the Decade (2001-2010), ng World Boxing Council; Best Pound-for-Pound Fighter of the Decade (2001-2010), ng World Boxing Organization; at isa sa 100 World’s Most Powerful Celebrities ng Time at Forbes.

Kapag binabanggit ang pangalang Manny Pacquiao, kaakibat nito ang Pilipinas. Tuwing magwawagi, iniaalay niya ito sa kanyang bayan at sa mga Pilipino.

Marami pang Pilipino ang nakapagbigay ng karangalan sa bansa sa iba’t ibang larangan ng palakasan, sa kabila ng kakulangan ng suporta mula sa gobyerno. Mabuti na lamang at may mga taong gaya ni Manny Pangilinan. Sa aking pananaw, siya ang may pinakamalaking nagawa para sa palakasan sa ating panahon.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa ilalim na kanyang pamumuno bilang pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), nakabalik ang Pilipinas sa FIBA World Cup noong 2014, at nakapag-uwi ng medalyang pilak sa huling dalawang FIBA-Asia men’s championships.

Noong 2011, inilunsad ng mga kumpanyang pinamumunuan ni Pangilinan ang MVP Sports Foundation upang tumulong sa pagpapaunlad ng boxing, badminton, basketball, football, taekwondo, tennis, running at cycling.

Layunin ng foundation na makamit ang: Asian championship para sa basketball, Olympic gold sa boxing at taekwondo, paglahok sa Tour de France, makamit ang pinakamataas na posisyon sa Asian marathon, mapabilang sa 3 pinakamagagaling sa Southeast Asia sa badminton at football, at pinakamagaling sa tennis sa Southeast Asia.

Nitong Oktubre, ipinahayag ni Pangilinan na magreretiro na siya bilang pangulo ng SBP. Magsasagawa ng halalan ang samahan sa Enero 2016 para sa mga bagong manunungkulan.

Mahalaga ang suportang tinatanggap ng mga atleta mula kay Pangilinan at sa iba pang pribadong korporasyon.

Ang kakulangang ito ang isa sa mga itinuturong dahilan sa hindi magandang pagganap ng Pilipinas sa Southeast Asian Games noong Hulyo, na nagtapos ang bansa sa ikaanim na puwesto at nakapag-uwi ng 29 na medalyang ginto, 36 na pilak at 66 tanso.

Ayon sa mga ulat, ang halagang tinatanggap ng mga atletang Pilipino mula sa gobyerno at mga pribadong grupo ay umaabot sa daan-daang milyon, samantalang ang mga atleta sa ibang bansa sa Timog-Silangang Asya ay tumatanggap ng bilyun-bilyon.

Dapat makita ng gobyerno ang mga benepisyo ng bansa tuwing magtatagumpay ang mga atletang Pilipino sa mga pandaigdigang kumpetisyon.

Sa aking pananaw, hindi naman napakalaking halaga ang kailangan para palakasin ang programa sa palakasan, lalo na nga at may mga taong gaya ni Manny Pangilinan na patuloy ang pagtangkilik sa ating mga atleta. (Durugtungan)

(MANNY VILLAR)