Makaraan ang pinakamalaking kabiguan na nalasap ni UFC star Ronda Rousey sa mga bigwas ng kamao at matitinding sipa ni Holly Holm sa UFC 193, Melbourne Australia noong Sabado ng gabi (Linggo sa Pilipinas) maraming mga tagahanga nito ang nagalit mula sa kanyang mga basher na nang-insulto.

Sari-saring reaksiyon at opinyon mula sa mga tagahanga at mga basher ni Rousey sa social media noong maknock-out ito ni Holm. Kabilang na rito ang isang mensahe mula sa isang rapper 50 Cent, na nagsabing si retiradong boksingero na si Floyd Mayweather Jr., ang nagpasimuno ng pagpo-post laban kay Rousey.

Madiin naman itong itinanggi ni Floyd sa FightHype.com kung saan sinabi rito na si “Money May” ay ipinagtanggol pa si Rousey sa mga pangungutya sa internet.

“That’s not true at all. I haven’t really spoke to anyone about the Ronda Rousey situation, just to set the record straight,” ang pahayag ni Mayweather. “I don’t have anything against MMA fighters. It’s just like boxing; you win some, you lose some. A true champion can take a loss and bounce back.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“I don’t think it’s cool how everyone is trolling her on social media,” pagpapatuloy nito. “Certain things you have to learn. People will love you on Friday and then Sunday morning, it’s nothing but negative comments and people making jokes and people making fun about you, which I don’t think is cool. I’ve never been on the other side, so I don’t know how it feels. I’m pretty sure she’s a very, very strong person, but we still have to take into consideration that she has feelings.”

Idinagdag pa ni Mayweather na ang lahat ay mayroong napupulot na karanasan at sa tamang panahon, si Rousey ay muling bubuwelta at gagawa ulit ng ingay sa mixed martial arts.

Maliban sa maigsing pahayag ni Rousey sa kanyang Instagram account noong Linggo na may karugtong na “I’ll be back,” nagpasalamat ito sa pagmamahal at suporta na ibinibigay ng kanyang mga tagahanga.

Nauna rito, nagbigay na ng pahayag si Rousey na gusto niya munang magpahinga subalit siniguro nito na babalik siya sa UFC 200 na inaasahang magaganap sa July 2016.

Samantala, ipinahayag naman ni Holly Holm na nakahanda siya sa posibleng rematch nila ni Rousey. Ayon dito, walang magiging problema kung magre-rematch sila nito sa mga darating na buwan.

Sinabi pa ni Holm na deserving si Rousey na magkaroon ng rematch dahil sa kakaiba nitong kasikatan.

Sa kabilang dako, nagbigay naman ng negatibong reaksiyon si dating world champion boxer na si Laila Ali sa pagpaplanong rematch nina Rousey at Holm na posible umanong maulit ang pagkatalo ni Rousey at baka “mas malubha” pa ang mga mangyayari.

“I don’t think she should have a rematch with Holly Holm because I think it would go the same way a second time,” ang pahayag ni Ali. “Probably worse.” (Abs-Cbn Sports)