Huwag nang pagbayarin ng irrigation fee ang mga magsasakang sinalanta ng mga bagyo. Ito ang isinusulong ni Rep. Agapito H. Guanlao sa kanyang House Resolution 2488.

Hiniling ng mambabatas sa National Irrigation Administration (NIA) na ma-exempt ang maliliit na magsasakang nabiktima ng bagyong ‘Lando’ sa bayarin sa irigasyon hanggang makabawi ang kanilang kabuhayan.

“According to the NDRRMC, of the total P11-billion damage, the agricultural sector got the lion’s share that has reached more than P9.6-billion as of November 1, 2015,” banggit ni Guanlao. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'