Mga laro ngayon

(San Juan Arena):

4 pm Philips Gold vs. Patron

6 pm Cignal vs. Meralco

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Tumabla ang defending champion Petron sa Philips Gold sa liderato ng 2015 PSL Grand Prix women’s volleyball tournament makaraang walisin ang Foton, 27-25, 25-23, 25-16 kahapon sa Spike on Tour na ginanap sa La Salle Sentrum gym.

Matapos makalusot sa matinding hamon ng Tornadoes sa unang dalawang set, ipinamalas ng Blaze Spikers kung bakit sila defending champion sa prestihiyosong inter- club tournament na ito na inihahatid ng Asics sa third set.

Sa pangunguna ng import na si Rupia Inck Furtado kasama ang mga local aces na sina Frances Molina at Abby Maraño, hinabol ng Petron ang Foton mula sa 3-8 na pagkakaiwan hanggang sa maagaw nila ang kalamangan at ganap na makontrol ang laban.

Nagtala si Inck ng 17 hits at 2 blocks upang pangunahan ang Patron sa ipinosteng 19-puntos habang nagdagdag naman si Rachelle Ann Daquis ng 13-puntos para sa panalo, ang ikapito nila sa siyam na laro na nagtabla sa kanila sa Lady Slammers.

“Malaking morale booster itong panalong ito sa amin. Hopefully magtuluy-tuloy hanggang finals,” pahayag ni Petron coach George Pascua.

Namuno naman para sa Foton na naputol ang naitalang 4- game winning run sina Jaja Santiago at import Lyndsay Stalzer na umiskor ng 15 at 14 puntos ayon sa pagkakasunod.

Dahil sa kabiguan,bumaba ang Foton sa ika apat na posisyon hawak ang barahang 6-4 , panalo- talo. (Marivic Awitan)