Apat na katao ang kumpirmadong nasawi at tatlong iba pa ang iniulat na nasaktan makaraang matupok ang 30 bahay sa Caloocan City, nitong Biyernes ng gabi.

Sa report ni Caloocan City Fire Marshall Supt. Antonio Rizal Jr., dalawa sa apat na nasawi ang nakilalang si Michael National, 30; at anak niyang si Kiel National, 3-anyos, kapwa residente ng Sampalukan Street, 4th Avenue, Caloocan City.

Sa inisiyal na imbestigasyon, dakong 11:30 ng gabi nang mangyari ang sunog sa Don Benito Street sa Sampalukan, 4th Avenue.

Nagmula umano ang sunog sa bahay ni Virginia Norbete, na naiwang nakasindi ang isang kandila.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Napag-alaman na na-trap at hindi na nakalabas ng bahay ang mag-amang National, gayundin ang dalawa pang nasawi, na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Mahigit 50 pamilya ang nawalan ng bahay, at umabot sa P3 milyon halaga ng ari-arian ang natupok.

Pasado 5:00 ng umaga na kahapon nang maideklarang fire-out ang sunog, at agad na nagsagawa ng clearing operation ang mga tauhan ng Caloocan Fire Station. (ORLY BARCALA)