Isang dating U.S. senator ang dumulog sa Korte Suprema para hilingin na ideklarang unconstitutional ang Enhanced Defense Cooperation Agreement.

Si Mike Gravel, naging senador ng Amerika mula 1969 hanggang 1981, ay naghain ng petition-in-intervention sa Korte Suprema na humihiling na kung hindi man ideklarang unconstitutional, ay atasan ng hukuman si Pangulong Aquino na idulog ang EDCA sa Senado para dumaan sa ratipikasyon.

Naniniwala si Gravel na nais lamang ng U.S. na gawing bala ang Pilipinas sa pagkompronta sa China dahil sa istratehikong lokasyon nito para sa military platform ng Amerika sa East Asia. Sakali umanong magka-giyera, ang unang labanan ay magaganap sa Pilipinas kung saan mayroong pasilidad ang U.S. (Beth Camia)

Tsika at Intriga

Paskong-pasko! Denise Julia may pasabog na 'screenshots' sa isyu ni BJ Pascual