Mga Laro ngayon

Marikina Sports Center

7:00p.m. Far Eastern University vs Metro Pacific Toll Corporation

8:30p.m. Hobe Bihon-Cars Unlimited vs Our Lady of Fatima University

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nasungkit ng Mindanao Aguilas ang una nitong panalo matapos na biguin ang Our Lady of Fatima University (OLFU), 78-72, Martes ng gabi sa 5th DELeague Basketball Tournament sa Marikina Sports Center, Marikina City.

Nakaiskor si Jerome Juanico para ilapit sa tatlo ang kalamangan, 71-74, ang naghahabol na OLFU may 50 segundo na lang ang natitira sa laro. Nalusutan naman ni Gino Jumao-as ang depensa ng OLFU para ibalik sa lima ang kalamangan ng Aguilas, 76-71.

Nagkaroon uli ng pagkakataon ang OLFU Phoenix na makadikit nang ma-foul ni Abdul Wahad si Juanico ngunit isang free throw lamang ang naibuslo nito. Nakuhang muli ng OLFU ang bola ngunit nagmintis ang tira ni Edwin Bargola na agad na nagbigay ng foul kay Jonathan Pareno, pitong segundo na lang ang natitira sa orasan.

Naipasok ni Pareno ang dalawang free throws at di na nakaiskor pa ang Phoenix.

Ang Mindanao ay pinangunahan ni Rene Pacquiao na may 20-puntos, siyam na rebound at limang assist habang si Wahad ay nag-ambag ng 16-puntos, 16 rebound at apat na assist para sa Aguilas na may 1-2 kartada.

Nakakuha naman ng 22-puntos at anim na rebound si Romly Jornacion habang si Juanico ay nagtapos na may siyam na puntos para sa OLFU na nananatiling walang panalo sa ligang sinusuportahan ng PSBank, Accel Sportswear, PCA-Marivalley, Angel’s Burger, Mckie’s Construction Equipment Sales and Rentals, Luyong Panciteria, Azucar Boulangerie and Patisserie, JAJ Quick Print Advertising, Mall Tile Experts Corporation, Jay Marcelo Tires, Polar Glass and Aluminum Supply at nina Mr. and Mrs. Dot Escalona.

Magsasagupaan sa Huwebes sa unang laro ang Far Eastern University (FEU) at Metro Pacific Toll Corporation at magtatapat naman ang Hobe Bihon-Cars Unlimited at OLFU sa ikalawang laro.

Mabibili ang ticket sa halagang P10. Para sa resulta ng mga laro maaaring bisitahin angwww.sports29.com.

(ANGIE OREDO)