110915_eus1 copy

DLSU, positibo pa rin na makapasok sa Final Four.

Sa kabila ng pagkakapuwesto sa alanganin matapos bumaba sa kartadang 5-7, panalo-talo na katumbas ay ikalimang puwesto sa team standings kasunod ng defending champion National University (6-7), hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang De La Salle na papasok sila sa Final Four round sa ginaganap na UAAP Season 78 men’s basketball tournament.

Mismong sina La Salle coach Juno Sauler at team skipper Jeron Teng ang nagsabing hawak pa nila sa kanilang mga kamay ang kanilang kapalaran.

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

“We just have to take care of our business in our last two games,” pahayag ni Sauler kasunod ng natamong 62-73 kabiguan noong nakaraang linggo sa kamay ng archrival nilang Ateneo Blue Eagles.”We need to shoot and defend better.”

“It’s still in our hands, we just have to win our last two games and we’ll see how it goes,” pahayag naman ni Teng.

Huling makakatunggali ng Green Archers ang University of the Philippines (UP) sa Miyerkules, Nobyembre 11 at ang league leader Far Eastern University (FEU) (Nobyembre18) na siya ring huling makakalaban ng sinusundan nilang NU Bulldogs sa Nobyembre 14.

Kailangan ng Green Archers na maipanalo ang dalawang laro upang makatabla sa NU kung sakali at makapuwersa ng playoff para sa huling Final Four berth. (MARIVIC AWITAN)