BANGKOK (Thomson Reuters Foundation)-- Dadagdagan ng tumataas na temperatura at kahalumigmigan dahil sa climate change ang bilang ng mga araw na may delikadong ‘’heat stress,’’ ilalagay ang Southeast Asia sa malaking panganib ng malaking pagbaba sa productivity, sinabi ng isang research firm noong Miyerkules.
Ang Southeast Asia sa mga susunod na tatlong dekada ay maaaring mawalan ng 16 porsyento ng kanyang labour capacity dahil sa tumataas na heat stress, na maaaring maging sanhi ng madalas na pagliban sa trabaho dahil sa pagkahilo, pagod, pagduduwal at maging pagkamatay sa pinakamatitinding kaso, sinabi ng British firm na Verisk Maplecroft.
Hinulaan ng kumpanya ang pinakamalalaking pagkalugi sa productivity sa Singapore at Malaysia, na may 25 porsyento at 24 porsyentong pagbaba sa kasalukuyang antas. Ang Indonesia ay masasaksihan ang 21 porsyentong pagbaba, ang Cambodia at Pilipinas ay 16 porsyento at ang Thailand at Vietnam ay 12 porsyento.
“Climate change will push heat stress impacts to boiling point with significant implications for both national economies and the health of vulnerable workers,” sabi ni James Allan, pinuno ng environment sa Verisk Maplecroft, sa isang pahayag.
Gumamit ang kumpanya ng mga climate projection upang kalkulahin ang pagbaba sa labour capacity, batay sa pangyayari ng mga kondisyon na magbubunsod ng heat stress at hindi na kakayaning magsagawa ang mga pisikal na aktibidad.
Nakasaad dito na pagsapit ng 2045 ang bilang ng mga araw ng heat stress sa Singapore at Malaysia ay tataas sa 364 (mula 335 at 338 ayon sa pagkakasunod); sa 355 mula 303 sa Indonesia; at sa 337 mula 276 sa Pilipinas.
Kinalkula ang potensyal na mawawalang productivity para sa 1,300 lungsod, natuklasan ng kumpanya na 45 sa 50 highest risk cities ay nasa Southeast Asia, kabilang na ang Kuala Lumpur, Singapore at Jakarta.
Dalawampu sa 50 highest risk cities ay nasa Malaysia, 13 sa Indonesia, apat sa Pilipinas at tatlo sa Thailand.
Ang high-risk cities sa labas ng rehiyon ay kinabibilangan ng Cartagena, sa pinakauna sa listahan, at Barranquilla sa Colombia, Panama City at Arraijan sa Panama, at Manaus sa Brazil.