Sisimulan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang istriktong pagbabantay sa mga Christmas lights at iba pang dekorasyong Pamasko sa mga pamilihan sa buong bansa, ngayong nalalapit na ang Christmas season.

Muling pinaalalahanan ng DTI ang publiko na bumili lang ng Christmas lights na may kaukulang Import Commodity Clearance (ICC) at Bureau of Philippine Standards (BPS) stickers na nagpapatunay na dumaan ito sa masusing pagsusuri at ligtas gamitin.

Iginiit ng kagawaran na hindi naman masamang bumili ng Christmas lights sa mas mababang presyo, partikular ang nabibili sa bangketa at tiangge, ngunit dapat tiyaking hindi sub-standard ito upang makaiwas sa sakuna, partikular sa sunog.

Noong Nobyembre 2014, may kabuuang 8,853 set ng sub-standard Chistmas lights na nagkakahalaga ng P1.2 milyon ang dinurog ng DTI gamit ang backhoe matapos makumpiska sa mga pamilihan sa Metro Manila.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Muling nagbabala ang DTI sa mahuhuling manufacturer, importer at retailer ng Christmas lights na lumabag sa panuntunan ng BPS na maaaring pagmultahin ang mga ito ng P300,000 o kanselahin ang DTI permit o lisensiya.