Ravena

Kinapos sa suporta ang team skipper ng Ateneo na si Kiefer Ravena pagdating sa fourth quarter ng laban nila sa University of Santo Tomas.

Ganito ang mismong teorya ni Blue Eagles coach Bo Perasol kung bakit nalimitahan sila sa all-time lowest score ng kanilang koponan sa isang quarter sa anim na puntos.

“Napagod na si Kiefer siguro. ‘Yun ang kailangan naming, ‘yung mag-i-step-up habang wala si Kiefer sa loob ng court,” pahayag ni Perasol.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ayon kay Perasol, ang nasabing problema ang kailangang hanapan nila ng solusyon sa mga susunod nilang laban.

Gayunman, natutuwa na aniya siya sa ipinakitang laro ng kanyang players sa unang tatlong quarters partikular sina Giboy Babilonia at Matthew Nieto, gayundin si Pons Gotladera.

“Except for the last quarter, maganda ‘yung nilaro namin sa first three quarters. Kailangan na lang ng pandiin sa huli,” pagtatapos ni Perasol. - Marivic Awitan