Kris_DO NOT CROP

DINUMOG ng comments, panawagan at pakiusap ang photo post ni Kris Aquino last Saturday sa Instagram na kuha sa kanya sa airport.

“Last woman left shooting. #EtiquetteForMistresses #EXHAUSTED” ang caption niya, pero dahil kitang-kita ang “Customs” ay ‘tila naging hudyat ito sa netizens para ihinga ang reklamo nila sa Bureau of Customs.

Sabi ni cathalex12Miss “@withlovekrisaquino pakiusapan n’yo naman po ang kapatid ninyo na gawan ng paraan ang mga taga-BOC... kawawa po kaming mga nandito sa ibang bansa na nagtitiis magtrabaho may mapadala lang sa pamilya...

Human-Interest

New pet peeve unlocked: 'Parang nagfe-Facebook sa ATM dahil sa sobrang tagal!'

‘tapos bubuksan po nila... hindi po ba dapat na ang pamilya namin ang dapat magbukas nu’n para kahit malayo kami sa isa’t isa nararamdaman po nila ang pagmamahal namin kahit man lang sa padala namin sa kanila...”

Sinundan agad ito ni renantebarbarose: “Baluktot na sistema about OFW boxes to open sinuportahan ng kuya mo.

Mahiya kayo. Pagsabihan mo kuya mo na bilang OFW dalawa lang ang pupuntahan, either magpadala ng balikbayan box or kami mismo ang ilalagay pauwi ng Pinas.”

Galing kay tazha_18Hi: “Hi Ms. Kris, sana naman po tulungan n’yo kami maipaabot kay Pres. Noy ‘yung mga hiling namin tungkol sa OFW boxes. Please? My apology if I disturb you. Thanks po.”

Agad umabot sa mahigit 18,000 ang likes at 300 plus ang comments.

After an hour, muling nag-post si Kris ng photo na may quotes kay Ralph Waldo Emerson: “Be an opener of doors” at may caption na:

“To all the OFWs & relatives/friends of our OFWs, I already forwarded your concerns w/c you very clearly stated on my thread in my previous post to those in a position to not only address them but hopefully study, clarify, and act on policies that have a direct impact on you, your sacrifices, and your love for family that motivates not just you, but all of us to work hard. I make no promises because I’m not in government, but your concerns didn’t fall on deaf ears, and in my own small & humble way I do hope I was able to help.”

Agad din itong nag-trending, umabot sa mahigit 12,000 ang likes at 800 plus naman ang comments.

Mula kay regeenaxx: “Thank you Ms. @withlovekrisaquino for your support to us. God bless.”

Galing kay dulce0218: “Maraming Salamat po! Malaki po ang maitutulong ninyo sa mga pamilya, kamag-anak at kaibigan para ilapit ang mga hinaing ng OFW.... God Bless!”

Kay jdictaran: “Maraming salamat po, Kris, at sana ipagpatuloy n’yo po kaming ipaglaban mga OFW. Alam namin na nasa puso mo talaga ang tumulong sa mga katulad naming mahihirap kasi Dugong Aquino ang nananalaytay sa ‘yo katulad ng iyong ama at ina na hanggang sa huling hininga ay ipinaglaban ang buong sambayanan. Saludo po kami.

We love you and God bless... Jo po from HK.”

Kahapon, lumabas sa online reports na naiparating na ni Kris kay Pangulong Noynoy Aquino ang outcry ng mga kababayan natin.

Naging malapit na observer ang inyong lingkod kay Kris nitong mga nakaraang taon at sa mga namamasdan ko, nasabi ko sa kanya minsan na ‘tila kakapusin na ang kakayahan ko bilang manunulat para mailarawan ang mga pagbabago, kabutihan at kagandahang nakikita ko sa kanya.

Walang duda, born leader din si Kris, anak nga siya nina Ninoy at Cory.

Bunsod ng namamasdan ding trato ng Bureau of Customs sa ating OFWs at sa klase na rin ng mga nagpiprisintang maging lider sa ating bansa, naalala ko ang Asian parable na ito na nabasa ko nang ipadala ako ng opisina sa Japan upang maging fellow sa Nihon Shimbun Kyokai-Confederation of Asean Journalist 20 years ago:

Pinapunta ng hari ang anak niya sa templo ng mga monghe para matuto kung paano maging mahusay na pinuno.

Pagdating sa templo, inutusan ng Master ang prinsipe na magpunta sa gubat at sinabihang pakinggan at tandaan ang anumang bagay na maririnig niya roon.

Bumalik ang prinsipe sa templo, pagkaraan ng mahabang panahon, na saulado ang lahat ng mga narinig niya sa gubat mula sa lagaslas ng tubig sa sapa, huni ng iba’t ibang ibon at hayop, kaluskos ng mga dahon hanggang pati ang sarili niyang hininga.

Pero pinabalik siya sa gubat ng Master dahil marami pa raw siyang hindi naririnig.

Bumalik ang prinsipe pagkaraan ng isang taon, at iniulat sa Master na ‘narinig’ niya pati na ang pagsibol ng mga butil sa lupa, pagbuka ng mga bulaklak, at ang lahat ng mga pagbabago’t walang ingay na kagandahan ng kalikasan.

“Dahil marunong ka nang makinig maging ng ‘unheard’, pinauuwi na kita sa palasyo,” sabi ng Master sa prinsipe.

“Sabihin mo sa iyong Amang Hari na tulad niya ay pumasa ka rin at nakahanda ka nang maging tunay na pinuno ng kaharian.” (DINO M. BALARES)