Madadagdagan na ang subsistence allowance ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines(AFP) at iba pang unipormadong tauhan ng pamahalaan.

Ito matapos lagdaan ni Pangulong Benigno S. Aquino III, ang joint resolution na nagtataas ng subsistence allowance ng mga sundalo, pulis at iba pang kawani ng gobyerno.

Sa bagong batas na inihain ni Senator Antonio Trillanes IV, chairman ng Senate committee on National Defense and Security, itataas sa P150 mula sa P90 ang subsistence allowance ng mga sundalo at pulis gayundin ang mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), kadete ng Philippine Military Academy at Philippine National Police Academy (PNPA), Philippine Coast Guard (PCG) at mga kandidatong Coast Guard men, at mga unipormadong kawani ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).
National

Malaking bahagi ng bansa, uulanin dahil sa 3 weather systems