SINGAPORE (AP) — Humilera ang mga Singaporean sa 15-kilometro (9 milya) ruta sa city-state upang saksihan ang komplikadong funeral procession para sa pinakamatagal na namuno sa Singapore na si Lee Kuan Yew.
Madaling araw nang nagsimulang magtipun-tipon ang mga tao para sa funeral cortege, na nagsimula makalipas ang tanghali. Habang naghihintay, umawit ang iba ng mga makabayang kanta, ang ilan ay namamahagi ng bandila ng bansa, habang ang iba ay nagbukas ng kani-kanilang payong bilang panangga sa ulan.
Sa loob ng isang linggong pagluluksa ng bansa na nagsimula noong Lunes matapos pumanaw ni Lee sa edad na 91, aabot sa 450,000 katao ang matiyagang pumila nang ilang oras masilayan lang sa huling pagkakataon ang kabaong ni Lee na inilagak sa Parliament House.