GERMANY (AFP) – Inilihim ng Germanwings co-pilot na si Andreas Lubitz, na ibinulusok ang passenger plane sa French Alps na ikinamatay ng lahat ng 150 sakay nito, sa airline na may malubha siyang sakit, ayon sa prosecutors sa harap ng mga ulat na dumanas siya ng matinding depresyon.

Samantala, nag-alok ng “up to 50,000 euros ($54,806) per passenger” na tulong pinansiyal ang Germanwings sa mga pamilya ng mga biktima, sinabi ng tagapagsalita ng kumpanya noong Biyernes.

Ang inialok na tulong, na hindi sisingilin sa mga pamilya, ay bukod pa sa kompensasyong babalikatin ng airline kaugnay ng trahedya, sinabi ng tagapagsalita ng Germanwings sa AFP.
National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’